Katiyakan ng Pagiging Kompidensiyal
Ang batas ng California, ang Unibersidad ng California (University of California) at ilang mga komite ng gobyerno para sa proteksiyon ng mga taong pinag-aaralan ay nag-uutos na walang personal na impormasyon ang ilalabas na magagamit para makilala ang indibidwal na kasali sa Sarbey ng Kalusugan ng California.
Pananaliksik na pang-estadistika at sa layon ng pagrereport. Ang anumang paglalabas ng personal na impormasyon ay lumalabag sa batas na ito. Ang taong responsable sa di-awtorisadong paglalabas ay isasakdal ng bayan (civil action) at parurusahan sa panghihimasok sa privacy(kalagayang pagiging pribado) sa ilalim ng Kodigo Sibil ng California, Seksiyon 1798.53.
Paano Namin Pinoprotektahan ang Iyong Pagiging Kompidensiyal
Ang proyekto na Sarbey ng Kalusugan ng California ay masugid na pinangangalagaan ang iyong personal na impormasyon. Dagdag sa pagsunod sa napakahigpit na pamamahala at mga computer security procedures, ginagawa namin ang ilang espesyal na pag-iingat para protektahan ang personal na pagkakakilanlan (identidad) ng mga kasama sa sarbey:
- Pag tapos na ang sarbey, inihihiwalay ng kompanya ng sarbey ang lahat ng personal na pangkontak na impormasyon (pangalan, tirahan, numero ng telepono, petsa ng kapanganakan, atbp.) sa mga sagot sa mga tanong sa sarbey na gagamitin sa reserts. Walang resertser ang nakakakita nitong personal na pangkontak na impormasyon. Ang pangkontak na impormasyon ay sinisira sa katapusan ng sarbey.
- Kapanganakan, atbp.) sa mga sagot sa mga tanong sa sarbey na gagamitin sa reserts. Walang resertser ang nakakakita nitong personal na pangkontak na impormasyon. Ang pangkontak na impormasyon ay sinisira sa katapusan ng sarbey.
- Dalawang komite ng proyekto, ang Data Disclosure Advisory Committee at ang Data Disclosure Review Committee, ay regular na nagmimiting para siguraduhin na ang mahigpit na patakaran at pamamalakad ay mabisang pinapangalagaan ang pagiging kompidensiyal ng mga kasama sa sarbey.
- Hindi isinasama sa mga rekord na nakabukas sa publiko ang mga personal na impormasyong nagpapakilala (tulad ng buwan ng kapanganakan, bansa ng kapanganakan, tiyak na etnisidad).Kompidensiyal din at hindi inilalabas sa publiko ang sensitibong impormasyon, tulad ng mental health care. Walang tiyak na heograpikong impormasyon, tulad ng zip code, ang kasama sa mga rekord na pampubliko. Kung kinakailangan, sadyang iniiba nang kaunti ang impormasyon para walang resertser na makasisiyerto ng identidad ng isang tao na may ilang pambihirang katangian. Bago ilabas sa publiko ang anumang rekord, malawakang estadistikang pagsusuri ang ginagawa para siguraduhin na walang panganib na mailabas ang anumang impormasyong maaaring magamit para makilala ang pagkatao ng sinumang kasama sa sarbey.
- Kumuha rin kami ng Katibayan ng Pagigigng Kompidensiyal (Certificate of Confidentiality) mula sa National Institute of Health para mapangalagaan ang inyong privacy. Sa pagkakaroon ng Katibayan ng Pagiging Kompidensiyal, ang mga resertser ay hindi mapipilit na ibunyag ang impormasyong maaaring makapagpakilala sa iyo, kahit na may subpoena ng korte, sa alin mang pederal, estado, o lokal na sibil, kriminal, administratibo, lehislatibo, o iba pang paglilitis.
- Iniingatan namin ang lahat ng mga kompidensiyal na impormasyon sa isang ligtas na lokasyon na ang tawag ay Data Access Center. Ang mga resertser na gustong gumamit ng mga impormasyon ay kailangang humingi ng pahintulot mula sa Data Disclosure Review Committee ng proyekto at sa isang opisyal na lupon (board) ng mga magsusuring inatasang pangalagaan ang mga karapatan ng mga kasama sa reserts. Kapag naaprubahan lang ang proyekto ng isang resertser tsaka lamang puwedeng gamitin ang protektadong Data Access Center. Mga resulta lang na pang-estadistika ang puwedeng ilabas sa protektadong Data Access Center. Bago makakuha ang sinumang mananaliksik ng anumang resulta ng kanilang pagsusuri, dapat rebyuhin at aprubahan ito ng manedyer ng Data Access Center para masigurong walang anuman sa mga resulta ang magagamit para makilala ang sinumang sumali sa sarbey.
Sagutan ang Survey ng Kalusugan ng California
Gamit ang secure na access code na ibinigay sa sulat na natanggap ninyo, puwede ninyong sagutan ang survey sa pamamagitan ng pag-click dito.